Buwan ng Wika, ipinagbunyi ng Intermediate Department

Home > News Events > Buwan ng Wika, ipinagbunyi ng Intermediate Department

Isinulat ni: Abbey Catalan

Ipinagdiwang ng buong Intermediate Department ang Buwan ng Wika gamit ang temang “Filipino at Mga Wikang Katutubo sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino” noong Agosto 31. Ang bawat baitang ay nagkaroon ng sari-sariling paligsahan na isinagawa ng mga mag-aaral at masigasig itong ikinumpleto.

Sa ikaapat na baitang, isang paligsahan sa paggawa ng poster-slogan ang ginanap. Iginawad ang unang gantimpala kay Keith Gerald N. Calivara, ang pangalawang gantimpala kay Chris Aimil M. Dela Cruz, at ang pangatlong gantimpala kay Natalie Angela S. Soriano. Binigyan din ng katibayan ng pakikilahok ang mga estudyanteng sina Juan C. Dela Cruz, Sophia Lara P. Ruales, Caetlin Trish M. Hernando, Reisha Ellana Venus D. Castillo, at Matthew Cyrus I. Pasadilla.

Sa kabilang dako, sa ikalimang baitang, isang onlayn palabaybayan naman ang isinagawa. Iginawad kay Alana Keyan C. Lim ang titulong kampeon, kay Tisha Dianne B. Desierto naman ang unang gantimpala, at kay Gavin Rein R. Lobaton naman ang ikalawang gantimpala.

Hindi nagpahuli, sa ikaanim na baitang, isang talumpating ekstemporenyo naman ang idinaos. Natanggap ni Amber Candy I. Sainz ang unang gantimpala, kasunod ni Kail Yvan L. Palisoc para sa pangalawa, ang ikatlong gantimpala kay Megelle D. Mendoza, Darren Jace C. Acosta para sa ikaapat na gantimpala, at kay Karishma Maxine B. Oraye naman ang ikalimang gantimpala. Binigyan din ng pagkilala ang mga estudyanteng sina Kaitlyn Danielle C. Parcero at Dylan Andre A. Tanyag.

Ito ay sinundan ng pasasalamat ng mga guro sa iba’t ibang departamento. Nagpasalamat din si Dr. Wilgie Mae T. Serna at hinimok ang mga mag-aaral na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral at paggamit ng kanilang pambansang wika.

Ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika na ipinamalas ng Intermediate Department ang siyang patunay na pinapahalagahan ng mga PSDians ang pambansang wika. Sa pamamagitan ng mga paligsahang isinagawa, itinanghal ang pagkamalikhain ng mga mag-aaral gamit ang kanilang mga munting daliri para sa nasyonalismo.